PINOY JOKES



Q: Ano ang sabi ng bangus nang mamamatay na siya?
A: I'm daing!

Q: Ano ang sabi ng isda nang hiwain siya sa gitna?
A: I'm tuna (two na).

Q: Ano ang tawag kapag sinuot mo ang kanang sapatos sa kaliwang paa at ang kaliwang sapatos sa kanang paa?
A: Malicious (mali shoes).

Q: Ano ang sinabi ni Satanas nang ipanganak ako?
A: "Lintek! Isa na namang anghel ang ipinanganak."

Q: Ano naman ang sinabi niya nang ipanganak ka?
A: "Oh, no! Hindi puwede ito! Ayoko pang mag-retire!"

Q: Sino ang unang arkitekto?
A: Si Eba, kasi siya ang unang nagpatayo.

Q: Sino ang unang estudyante?
A: Si Adan, kasi siya ang unang pumasok.

Q: Paano gumawa ng gloves sa China?
A: Sinasawsaw ng mga Intsik ang kanilang mga kamay sa latex, maglalakad-lakad hanggang matuyo at aalisin nila, pagkatapos ay gloves na.

Q: Paano sila gumawa ng condom?
A: Ganoon din.

Q: Anong sasabihin mo kapag may nakasalubong ka ng isang multong may tatlong ulo?
A: Magandang gabi, magandang gabi, magandang gabi.

Q: Anong English word ang nag-uumpisa sa F at nagtatapos sa K at
parang pagkain na rin ang iisipin mo?
A: Fork, ano pa ba?

Q: Ano ang pagkakatulad ng sex at insurance?
A: Habang tumatanda ka, tumataas ang presyo.

Q: Bakit mas matataba ang mga may asawang lalaki kaysa sa mga walang asawang lalaki?
A: Kasi ang mga walang asawang lalaki, pag-uwi, titingnan ang laman ng ref niya at kapag walang nakita, humihiga na lang sa kama para matulog. Ang may asawa, pag-uwi, titingnan ang kama at makikita ang misis nila, pumupunta na lang sa kusina para buksan ang ref nila.

Q: Paano mo malalaman ang kasarian ng cell phone?
A: Kapag may nakalawit na antenna, lalaki 'yun. Kapag wala,
siguradong babae ang cell phone.

Q: Ano ang pinagkaiba ng lalaking tumataya sa lotto at ang lalaking nakikipag-away sa misis niya.
A: Mas malaki ang tsansa ng lalaking manalo sa lotto kaysa sa pakikipag-away sa misis niya.

Q: Paano mo makikilala ang mga head nurse sa hospital?
A: Sila 'yung puro may sugat sa tuhod.

Q: Kailan tumatayo ang kanibal mula sa hapag kainan?
A: Kapag nakain nang lahat ang kasamahan.

Q: Ano ang pagkakatulad ni Winnie the Pooh at John the Baptist?
A: Iisa ang ina nila. Kita mo, iisa ang middle name nila.

Q: What's the difference between a kiss, a car, and a monkey?
A: A kiss is so dear, a car is too dear, a monkey is you my dear.

Q: What's the difference between Prince William and a Honda Civic?
A: Prince William is a Tudor while a Civic is a Sedan.

Q: What will happen to a wooden car with a wooden wheel and a wooden engine?
A: It wooden start.

[Back]